Source: THE SPLENDOR OF THE CHURCH
The All-Powerful King of the World |
Hidi pu ba talaga naniniwala ang INC na si Cristo ay nagkatawang tao?
Ang Tutoo po Sumasampalataya po ang mga INC na Ang Panginoong JESUCRISTO ay Naging TAO nga po. Ayon Pu yan mismo sa JUAN 1:14.
ang Kaso ang Bintang ni Mr. Bloger eh Hindi Daw po Kame naniniwala.
CHEEZMAX LANG PU NYA YON!
Ayon pu jan sa JUAN 1:14 nag katawang Tao ang Verbo,
sino pu ba ang nagkatawang tao ang Diyos ba mismo o ang Verbo?
Diba Yoong Verbo?
Eh Ano ba ang Verbo? Diba Salita? Kaninong salita?
“SALITA NG DIYOS!”
kaya Doon sa Juan 1:1 na ” Ang Verbo Ay diyos” ang Ibig sabihin nyan “Ang Salita ng Diyos ay Diyos” Dahil ang katumbas ng Verbo sa talatang iyan ay “Salita ng Diyos”
at doon naman sa Juan 1:14 na ” Nagkatawang tao ang Verbo” ibig sabihin nyan”Nagkatawang tao ang Salita ng Diyos”
Ang nagkatawang tao ay ang “SALITA ng Diyos” hindi Ang”Diyos” mismo.
At yan ang katotohanang sinasampalatayanan namin.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Ngayon yoong sinasabi ni Mr. bloger na hindi daw kame Sumasangayon na nagkatawang tao Si Cristo, KASINUNGALINGANG BINTANG LANG YON!
Eh sino ba talaga ang Hindi Sumasang ayon sa talatang ito?
Diba Kayo?
ang sabi niyo ang Diyos mismo ang nagkatawang tao, ang sabi naman ng talata ang salita ng Diyos.
Oh ngayon sinu kaya ang malinaw na tumututol sa talata?
Walang bait at talino talaga itong mga kampon ni Manalo, oo. Ambobobo2dmax! Suriin natin ang kapalpakan nila:
Una:
Ayon ke orlando macuroy, malinaw na tinatanggap ng INC na: “Ang Panginoong JESUCRISTO ay Naging TAO nga po. Ayon Pu yan mismo sa JUAN 1:14.” Samakatuwid, tanggap ng mga INC na ang Verbo sa JUAN 1:14 ay Ang Panginoong JESUCRISTO na Naging TAO nga po.
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. JUAN 1:14”
Pangalawa:
[Noong una sabi ni orlando macuroy, “Ang Panginoong JESUCRISTO ay Naging TAO nga po. Ayon Pu yan mismo sa JUAN 1:14.” Ngayon, dito sa pangalawa, biglang about face siya; hindi na niya binabanggit ang Panginoong JESUCRISTO kundi ang Verbo na lang o "SALITA NG DIYOS!"]
Sabi ni orlando macuroy, ayun daw sa JUAN 1:14, ang nagkatawang tao ay ang Verbo (o SALITA NG DIYOS) at hindi ang Diyos (at hindi rin Ang Panginoong JESUCRISTO). Ito pa sabi niya:
kaya Doon sa Juan 1:1 na ” Ang Verbo Ay diyos” ang Ibig sabihin nyan “Ang Salita ng Diyos ay Diyos” Dahil ang katumbas ng Verbo sa talatang iyan ay “Salita ng Diyos” at doon naman sa Juan 1:14 na ” Nagkatawang tao ang Verbo” ibig sabihin nyan”Nagkatawang tao ang Salita ng Diyos”
Ang nagkatawang tao ay ang “SALITA ng Diyos” hindi Ang”Diyos” mismo.
At yan ang katotohanang sinasampalatayanan namin.
—
Eto tanong ko para sa mga INC: Ano bang ibig sabihin ng “SALITA ng Diyos”? Ito ba’y yong literal na salita na namutawi sa bunganga ng Diyos o ito ba’y isang bansag para sa Panginoong JESUCRISTO?
Sa Una, tanggap ng INC na ang Verbo ay bansag para sa Panginoong JESUCRISTO.
Sa Pangalawa, tanggap ng INC na ang Verbo o “SALITA ng Diyos”ay literal na salita na namutawi sa bunganga ng Diyos.
Ano ba mga tsong? Kontra kontra ang aral nyong echaz.
Mga INC, tuturuan ko kayo ng THEOLOGY 101, hane:
Ang “SALITA ng Diyos” ay HINDI LITERAL NA SALITA na namutawi sa bunganga ng Diyos dahil Ang Dios ay Espiritu (JUAN 4:24) at wala Siyang bunganga. Kaya ang “SALITA ng Diyos” ay BANSAG para sa Panginoong JESUCRISTO sapagkat si Cristo ang LITERAL NA SALITA NG DIYOS O TAGAPAGSALITA NG DIYOS (SPOKESGOD baga):
“At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. APOC 19:13”
Sabi ni orlando macuroy: Ang nagkatawang tao ay ang “SALITA ng Diyos” hindi Ang”Diyos” mismo.
Weehh. Sipiin nga natin ang peyboret nilang biblia ni Lamsa:
“THE WORD was in the beginning, and that very Word was with God, and God was that Word. JOHN 1:1”
Ano uli sabi Lamsa? AT DIYOS ANG VERBO NA YAON.
Semplang si INC. LOL.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Sabi ni orlando macuroy: Ngayon yoong sinasabi ni Mr. bloger na hindi daw kame Sumasangayon na nagkatawang tao Si Cristo, KASINUNGALINGANG BINTANG LANG YON!
Sabi ko: bobo2dmax talaga ang INC na ito. O di sige, sabi niya: Sumasangayon sila na nagkatawang tao Si Cristo, (ayon sa JUAN 1:14). E sino ba ang nagkatawang tao sa JUAN 1:14? Di ba ang Verbo? At ang Verbo ay bansag sa Panginoong JESUCRISTO. At di ba ang Verbo ay Diyos ayon sa JUAN 1:1?
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. JUAN 1:1”
Ngayon, KASINUNGALINGANG BINTANG ba kung sabihing hindi sumasangayon ang mga INC na nagkatawang tao Si Cristo na Siyang Verbo at Diyos ayon sa JUAN 1:1? Hindi po, dahil iyan ang nagdudumilat na katotohanan: para sa INC, Si Cristo na Siyang Verbo na Diyos ay hindi naparitong nasa laman. Ang naparito raw sa laman ay ang pekeng Cristo nilang isang tao at hindi Verbo at hindi Diyos! Kaya’t tiyak na tiyak na ang mga INC ang katuparan ng mga anticristo!
“Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanglibutan na. 1JUAN 4:2-3”
“Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. 1JUAN 2:22”
No comments:
Post a Comment