eh duon po ba sa juan 1:1 na ang verbo ay kasama ang diyos, Kung ang verbo ay diyos sa kalagayan eh sino po ang diyos na kasama ng verbo kung ang diyos ay yuong verbo?
eh di lalabas dalawa ang diyos!
Hindi ka ba nagbabasa ng Bibliya (Mt 22:29)? Dalawa ang Diyos, tatlo pa nga Sila e, kaya lang hindi na palagiang binabanggit ang Espiritu Santo pag binabanggit ang Ama at Anak dahil bigay na (given) na nagbubuhat Siya sa Ama (Jn 15:26). At sapagkat si Cristo at ang Ama ay iisa (Jn 10:30), kaya nagbubuhat din ang Espiritu Santo sa Anak. Ang tawag diyan ay filioque. Ang Ama ay Espiritu, ang Anak (bago magkatawang Tao) ay Espiritu at ang Espiritu Santo ay Espiritu – sila ang Tatlong Espiritu o Persona ng nag-iisang Diyos na Espiritu (Jn 4:24).
Balibaligtarin mo man ang Bibliya wala kang mababasang hindi posible sa Diyos, dahil walang imposible sa Kanya (Jer 32:17, 27; Mt 19:26; Mk 10:27; Lk 1:37, 18:27; etc). Imposible pa ngang pigilan ng kamatayan si Cristo e (Act 2:24).
Ngayon, kung walang imposible sa Kanya, imposible bang magkaroon ng Tatlong Espiritu o Persona ang nag-iisang Diyos? May pito pa nga Siyang Espiritu na binabanggit sa Apocalypse e (Apoc 3:1, 4:5).
Ngayon, balikan natin ang Juan 1:1-2 ng Amplified Bible:
1 In the beginning [before all time] was the Word (Christ), and the Word was with God, and the Word was God Himself. 2 He was present originally with God.
Ang beginning na binabanggit diyan ay noong [before all time] – ibig sabihin, sa eternity iyan bago ang paglalalang at oras ng daigdig (earth time). At pag eternity, ibig sabihin sa ikatlong Langit iyan o Paraiso (2 Cor 12:2-4) at hindi sa lupa o sa outer space na sakop ng light years. Pinatotohanan pa nga iyan ng Panginoong Hesukristo eh:
At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. (Jn 17:5)
Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka’t ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. (Jn 17:24)
Ito pa ang patotoo ni propetang Micah:
Nguni’t ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. (Mic 5:2)
Ayon sa Juan 1:1-2, ang Word ay si Cristo, at si Cristo ay Diyos, kaya kung i-substitute natin ang Diyos sa Word, ganito ang kalalabasan ng naturang talata:
1 In the beginning [before all time] was God (Christ), and God (Christ) was with God, and God (Christ) was God Himself. 2 God (Christ) was present originally with God.
Ang tanging makakaintindi ng hiwagang iyan ng Juan 1:1-2 ay ang mga masugid at tapat na Katoliko lamang sapagkat nasa amin ang pagiisip ni Cristo (1 Cor 2:16), na wala sa inyong mga anticristong gaya ng INC, JW at LDS.
Gaya ng nasabi ko na, dalawa ang Diyos (at Tatlo) pero Sila ay iisang Espiritu lang. Noong isugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak ay ganito ang sinabi:
v8Nguni’t tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. v9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya’t ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. v10At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula’y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: v11Sila’y mangapapahamak; datapuwa’t ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; v12At gaya ng isang balabal sila’y iyong bibilutin, At sila’y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni’t ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos. (Heb 1:8-12)
Sa verse 8, tinawag ng Diyos na Diyos ang Anak. Sa verse 9, sinabi ng Diyos na Siya ang Diyos ng Diyos na Anak. Sa verse 10, tinawag ng Diyos na Panginoon ang Diyos na Anak. Ngayon, bakit tatawagin ng nag-iisang Panginoong Diyos na Diyos at Panginoon ang Anak kung hindi Sila iisang Diyos at iisang Panginoon, aber?
Ito ang Shema ng mga Hudyo noon, ngayon at magpakailanman (At ito din ang aming pananampalatayang Katoliko):
Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon. (Dt 6:4)
Hear, O Israel: the Lord our God is one Lord [the only Lord]. (Dt 6:4, Amplified Bible)
E, sino ba ang nag-iisang Panginoon na Diyos? Siya’y ipinakilala ng Espiritu Santo kay Elisabet sa ganitong paraan:
v41At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo; v42At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. v43At ano’t nangyari sa akin, na ANG
INA NG AKING PANGINOON ay pumarito sa akin? (Lk 1:41-43)
INA NG AKING PANGINOON ay pumarito sa akin? (Lk 1:41-43)
Ang ipinagdadalang Tao ng Mahal na Birheng Maria ay ang Diyos na nagkatawang Tao (Jn 1:14; 1 Tim 3:16, KJV) – ang Diyos na Anak na sinugo ng Diyos na Ama na nasa Paraiso.
Ngayon, kung hilong hilo ka na, subukan mong intindihin ito:
Pag i-split ang uranium-235 atom, magiging dalawa ang uranium-235 atom na walang pagkakaiba ni konti man lang sa orihinal na uranium-235 atom. Pag i-split mo uli yong orihinal na uranium-235 atom, magkakaroon uli ng isa pang parehong parehong uranium-235. Kaya meron ng tatlong uranium-235 atom na walang pinagkaiba sa isa’t-isa at sa orihinal.
E, sino ba ang naglalang ng mga atomo? Hindi ba ang Diyos ang naglalang ng lahat lahat? Kung nangyayari sa uranium-235 ang pag-split na walang pagbabago, ano pa kaya ang magagawa ng may lalang noon? Intiende?
Amen.
No comments:
Post a Comment