Source: THE SPLENDOR OF THE CHURCH
The Most Holy Trinity - One God in Three Persons (Spirits) |
parang malabo ang sinasabi ninyo dahil ayon sa inyo ay "iisa ang Dios" pero sabi nyo uli "dalawa, tatlo pa nga". so, ano ba talaga ang tama? o inaamin nyo na na marami kayong sinasambang mga dios?
tama na walang imposible sa Dios pero imposible niyang gawin ang mga hindi naayon sa kanya gaya ng paglikha ng iba pang mga dios. ang pitong spirit na nasa rev ay isa lamang metaphor at hindi ito literal. saan nyo naman nalaman na may 3 distinct separate individual spirits o persons ang dios?
(izzil dore: parang malabo ang sinasabi ninyo dahil ayon sa inyo ay "iisa ang Dios" pero sabi nyo uli "dalawa, tatlo pa nga". so, ano ba talaga ang tama? …saan nyo naman nalaman na may 3 distinct separate individual spirits o persons ang dios?)
Aquino Bayani: Ito, pag-aralan niyong maigi, hane, nang mahimasmasan kayong mga anti-Trinitarian:
Nag search ako ng “Almighty” sa electronic bible at lumabas ang 83 verses na tumutukoy lahat sa Dios. Kaya tunay na ang Dios ang nag-iisang “ALMIGHTY.” Ang ibig sabihin ng “Almighty” ay: having absolute POWER over all; at: relatively unlimited in POWER. Gets niyo?
Kagaya ng hindi alam ng mga mangmang sa kapangyarihan ng Dios, ang Dios ay hindi sakop ng pambatang arithmetic na 1 god + 1 god + 1 god = 3 gods. Oobra lang yan sa mga bopol, gaya ng 1 manalo + 1 manalo + 1 manalo = 3 manalos. Kung por letra naman: tatlong tig-6, eh di 666 ang labas. Lol.
Para sa ALMIGHTY GOD, ito lang ang angkop sa Kanya: 1 GOD raised to the POWER OF 3 GODS = 1 GOD. Sa Tagalog: Isang DIOS na itinaas sa KAPANGYARIHAN NG TATLONG DIOS ay nananatiling Isang DIOS pa rin. Kahit na nga ba: 1 GOD raised to the POWER OF INFINITE GODS = 1 GOD pa rin ang resulta. Mag-aral kasi kayo ng Calculus para maintindihan niyo ang Infinite God, ok? Huwag magbabad at magkasya na salingpusa na lang habang-buhay. Move on, mga kapatid.
-----
Sa pasimulang walang hanggan, ang Dios lang ang umiiral, na ibig sabihin, ang Dios lang ang bukod tanging existido sa walang hangganang kawalan at kalawakan. At ninais ng Dios na maglalang. Pero bago Niya inumpisahan ang paglalang, ipinanganak muna ng Dios ang Kanyang panganay at bugtong na Anak na si Cristo na nasa Kanyang sinapupunan:
{“Yours is princely power from the day of your birth. In holy splendor before the daystar*, like the dew I begot you." Ps 110:3, NAB}
*NAB Footnote: Before the daystar: possibly an expression for before the world began (Prov 8:22).
{Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. Mic 5:2}
{Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya. Jn 1:18}
{Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. Heb 1:5-6}
Ang Bibliya ay napakalinaw: Ang Dios ay nagkaroon ng panganay at bugtong na Anak mula pa nang pasimulang walang hanggan nang wala pang ni isang nilalang.
-----
Tanong 1: Bakit kailangan pang magkaroon ng Anak ang Dios?
Sagot 1: Para masakop ng Dios ang uncreated at created worlds. Ang Ama ay maiiwan sa Langit para mangangasiwa sa lahat ng mga lalalangin ng Anak at ng mga hindi mabilang na ibang gawain na hindi natin kayang arukin (Jn 5:17). Ang Anak naman ang isusugo ng Ama sa sangkalupaan para lalangin ang lahat lahat (Jn 1:3; Act 3:15; Col 1:16; Heb 1:2, 6) at para magkatawang-Tao nang Siya’y maaring mamamatay para sa katubusan ng mga magkakasalang sangkatauhan (Gal 4:4-5; Rom 3:24; 1 Cor 1:30; Heb 2:9).
-----
Tanong 2: Ano ang kalagayan ng Anak nang Siya’y ipinanganak ng Dios (begotten by God)? Siya ba ay Espiritu rin gaya ng Dios na Espiritu (Jn 4:24), o isang tao lang na gaya ni Adam na tao lang?
Sagot 2: Ang sabi ni propeta Micah, Si Cristo ay nagbuhat mula nang una, mula nang walang hanggan (Mic 5:2; cf Ps 110:3, NAB). Nang si Cristo’y nagkatawang-Tao at pinangalangang Jesus, sinabi Niyang nakapiling na Niya ang Dios bago pa ang anumang paglalalang at bago natatag ang sanglibutan (Jn 17:5, 24). Sinabi rin ni Jesu-Cristo na nakita niya ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit na nangyari noong walang hanggan (Lk 10:18; Rev 12:4). Kaya, malinaw na ang Anak (Cristo) ay mula sa sinapupunan ng Dios, mula sa pasimulang walang hanggan - noong wala pa ni isang nilalang na espiritu, kaluluwa, tao o maging sanglibutan man (Col 1:15). Samakatuwid, tiyak na tiyak na ang Anak ay Uncreated Spirit at hindi lalang-na-espiritu (created spirit) dahil sa napakasimpleng katotohanan na ang Anak ang maglalalang sa lahat lahat (Jn 1:3). Imposible na lalangin ng Anak ang sarili Niya kaya’t Siya’y ipinanganak ng Dios (begotten by God). At sapagkat Siya’y literal na Anak ng Dios (begotten of God) at hindi Siya isang nilalang lang, Siya’y Dios din. Dios mula sa Dios. Ang Anak (Cristo) ang pangalawang Espiritu o Persona ng Dios (Jn 1:1). Ang hiwaga ng dalawang Dios na iisa ay inihayag ng Panginoong Jesucristo kay Juan nang ang apostol ay umakyat sa langit (2 Cor 12:2-4; Rev 4:1-3). Kung kaya pagbaba ni apostol Juan sa lupa mula sa langit, isinulat niya bilang pang-unang talata ng kanyang evangelio ang misteryo ng dalawang Dios na iisa, na existido na mula pa sa pasimulang walang hanggan:
{Nang pasimula siya ang Verbo (Cristo), at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Jn 1:1-2, Ang Biblia}
{In the beginning [before all time] was the Word (Christ), and the Word was with God, and the Word was God Himself. He was present originally with God. Jn 1:1-2, Amplified Bible}
{BEFORE ANYTHING ELSE existed, there was Christ, with God. He was always been alive and is himself God. Jn 1:1-2, The Living Bible}
{THE WORD was in the beginning, and that very Word was with God, and God was that Word. The same was in the beginning with God. Jn 1:1-2, Lamsa Translation}
Samakatuwid, ang kalagayan ng Anak nang Siya’y ipinanganak ng Dios (begotten by God) sa pasimulang walang hanggan ay Espiritu (Uncreated Spirit) sapagkat ang Anak ay Dios at ang Dios ay Espiritu (Jn 4:24). Kaya ang kalagayan ng Anak nang dinadala Siya ng Dios sa sangkalupaan para maglalang ay Espiritu (Heb 1:6) at Espiritu rin ang kalagayan ng sinugong Anak na ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria na totoong Ina ng Dios (Gal 4:4). Sa katunayan, “Ang huling Adam (Cristo) ay naging espiritung nagbibigay buhay (1 Cor 15:45).”
-----
JUAN 1:1-2
Napakahalagang isaulo at isapuso ang tamang kahulugan ng Jn 1:1-2 nang hindi mapahamak ng mga bulaang mangangaral ang inyong mga kaluluwa:
Ang ibig sabihin ng CRISTO ay tumutukoy sa DIOS NA ANAK NG DIOS mula pa sa pasimulang walang hanggan. Ang CRISTO ay DIOS. Pag sinabing CRISTO, ibig sabihin DIOS. Pag sinabing Jesus o Jesu-Cristo, ibig sabihin, ang Cristo o Dios na nagkatawang-Tao na pinangalangang Jesus. Kapag ika’y tumanggi na si Jesus ay siyang CRISTO o DIOS, ika’y sinungaling at anticristo:
{Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, samakatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. 1 Jn 2:22}
[Pansinin: Ang ibig sabihin ng “ang tumatanggi sa Ama at sa Anak” ay “ang tumatanggi sa Banal na Trinidad” sapagkat pag binanggit ang Ama at Anak ay binanggit na rin ang Espiritu Santo na “inherent” at nagbubuhat sa Ama at sa Anak (Filioque). Kaya napakalinaw po: Ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Dios (Cristo), at ang tumatanggi sa Ama at sa Anak (Banal na Trinidad), ay ang anticristo. Tandaan po natin ito nang maiwasan ang mga anticristong naglipana sa lipunan natin ngayon.]
-
Kung para sa iyo, si Jesus ay ang CRISTO (DIOS), ika’y pinagpala at anak ng Dios:
{Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon. 1 Jn 5:1}
-
Sabi ng mga anticristo, ang TAO NA CRISTO ang nagkatawang-Tao, at HINDI ang DIOS NA CRISTO. Wala pong tao na Cristo. In fairness, kung unggoy-unggoyan ang usapan, mayroon ngang tao na cristo: yong nasa sabungan at yong dios-diosang cristo ng Iglesia ni Cristo, Jehovah Witness, Latter Day Saints, atbp.
Kapag sinabing Cristo, Siya’y Dios na kasama ng Dios sa pasimula (Jn 1:1):
{Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo (DIOS) ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus (DIOS), ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. 1 Jn 4:1-3}
{Maraming mandaraya na lumitaw sa sanlibutan, yaong mga hindi kumikilala na si Jesu-Cristo (DIOS) ay naparito sa laman; ito ang mandaraya at ang anti-Cristo. 2 Jn 1:7}
(Emphasis akin)
Babala: Hwag kayong padadala sa mga mapaglinlang na pangungusap at liko-likong paliwanag ng mga bulaang pastor na si Jesu-Cristo ay isang tao at hindi Diyos, baka pati kayo’y mapabilang sa hanay nilang mga anticristo at sama-sama kayong magdurusa sa impierno ng walang puknat na pahirap hanggang sa walang hanggan. Ingat po.
-
Ang naniniwala’t tumatanggap na si Jesus ay si Cristo na Dios ay ang mga totoong nagsisisampalataya – sila’y mga pinagpala ng Dios. At ang naniniwala’t tumatanggap na si Jesus ay si Cristo na HINDI DIOS ay ang mga hindi nagsisisampalataya – sila’y ang mga taong may maling pananampalataya, mga anticristo at hindi pinagpala ng Dios.
Ano ba ang pananampalataya?
Ang sabi ng Biblia’y ganire:
{Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Heb 11:1}
Samakatuwid, kung si Jesus ay tao, hindi na kailangan ang pananampalataya sapagkat ano ang supernatural sa pagiging tao ni Jesus? Wala, di ba? Kasi pare-pareho tayong mga tao, di ba? Pero, kung si Jesus ay Dios, iyan ang kailangan ang pananampalataya sapagkat supernatural ang kalagayan ni Jesus na Dios na hindi nakikita.
Paano ba natin pakikitungohan ang mga hindi nagsisisampalataya na si Jesu-Cristo ay Dios? Ang sabi ng Biblia’y itakwil sila’t huwag pakisamahan:
{Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili. Tit 3:10-11}
{Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? 2Cor 6:14}
Ang pag-aasawahan ng nagsisisampalataya at di nagsisisampalataya ay hindi ipinagbabawal ng Biblia. Ang nagbabawal niyan ay ang mga anticristong samahan gaya ng Iglesia ni Cristo ni 3 manalos.
Ipinagbabawal pa ngang paghiwalayin ang mag-asawang nagsisisampalataya at di nagsisisampalataya, eh. Tingnan niyo kung bakit, basa:
{Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios. Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa? 1 Cor 7:12-16}
-
Ang pagiral o existensiya ni Cristo sa pasimulang walang hanggan ay pinatotohanan ng Dios mismo (Ps 110:3, Heb 1:10, NAB); ng Panginoong Jesucristo mismo (Lk 10:18; Jn 17:5, 24); ni propeta Micah (Mic 5:2); ni apostol Juan (Jn 1:1-2); ni San Pedro (1 Pt 1:20); at marami pang iba.
Ang aral na nagkaroon lang daw ng existensiya si Cristo nang Siya’y ipaglihi at ipanganak ni Maria ay aral na galing sa Diyablo. Iwasan ninyo ang mga hibang na mga bulaang pastor na nagtuturo ng mga ganyang hiduwang pananampalataya para hindi kayo madamay sa kanilang tiyak na kapahamakan (2 Pt 2:1).
Ang nagkaroon ng existensiya sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria ay ang katawang-tao lang ni Cristo na Kanyang (Cristo) inari, binuhay at naging Siya mismo at pinangalanan Siyang Jesus o Jesu-Cristo nang Siya’y ipanganak (Heb 10:5; Mt 1:25). Kaya nga tunay na Ina ng Dios si Maria sapagkat si Cristo o Dios ang pumasok at nagkatawang-Tao sa kanyang sinapupunan at kanyang ipinaglihi, dinala ng siyam na buwan at ipinanganak na Taong-Dios (Jn 1:14; 1 Tim 3:16, KJV). Kaya po ang aral ng lahat ng mga Protestante na hindi Ina ng Dios ang Mahal na Birheng Maria ay isa pang hiduwang pananampalataya na aral galing sa Diyablo (2 Pt 2:1). Iwasan po natin ang lahat ng mga Protestante na nangangaral ng mga hiduwang pananampalataya.
Tanong 3: Literal ba na ang Anak (Cristo) ay Espiritu at Siya’y nagmula sa Langit mula pa sa walang hanggan?
Sagot 3: Aba’y opo, maliban sa mga nabanggit na sa itaas, ito pa po ang mga literal na patotoo ng Biblia. Basa:
{Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging Espiritung nagbibigay buhay. Bagaman ang ukol sa Espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa Espiritu. Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. 1 Cor 15:45-47}
{At sa kanila'y kaniyang sinabi, Kayo'y mga taga ibaba; ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; ako'y hindi taga sanglibutang ito. Jn 8:23}
{Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios, ay nanatiling saserdote magpakailan man. Heb 7:3}
-----
Tanong 4: Kung existido na ang Anak sa pasimulang walang hanggan, bakit hindi siya ipinakilala sa Lumang Tipan?
Sagot 4: Sapagkat hindi pa maiintindihan ng mga sinaunang tao noon kung papaanong ang nag-iisang Dios ay mayroong Anak na Dios din. Hindi ba’t magpahanggang ngayon ay mas marami pa rin ang hindi nakakaintindi ng hiwagang iyan? Sa katunayan, ang Dios mismo ay hindi lubos na nakikilala ng mga tao sa Lumang Tipan at ito ang patotoo:
{Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan. Heb 1:1-2}
{Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo. Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya. Jn 1:17-18}
Sa Lumang Tipan, batid ni Agur na existido ang Ama at Anak pero siya’y nahihiwagaan sa Dalawa at napagkamalan pa niyang ang Ama ang bumaba sa lupa at hindi ang Anak:
{Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal: Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, At walang kaunawaan ng isang tao: At hindi ako natuto ng karunungan, Ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal. Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? Pro 30:1-4}
Batid din ni David na existido na ang Panginoong Cristo, kaya siya’y nagsabing:
{Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Ps 110:3}
Ang sinabi ni David ay ginamit ni Jesus para tanungin ang mga Fariseo kung kaninong anak Siya (si Cristo). Nabutata ang mga Fariseo sapagkat ang tamang sagot ay ang Dios ang may Anak kay Cristo. Tunghayan niyo ang mga pangyayari:
{Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong, Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David. Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak? At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong. Mt 22:41-46}
Palaisipan: Sabi ni Jesus, “Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?” Hindi ba’t tinatawag nga rin ng Dios na Panginoon si Cristo (Heb 1:10), kaya paanong si Cristo ay Anak ng Dios?
Sagot: Hindi ba’t tinatawag nga rin ng Dios na Dios si Cristo (Heb 1:8); at tinatawag nga rin ni Cristo na Dios ang Ama (Jn 20:17)? Kung kaya tinatawag nga rin ng Dios na Panginoon si Cristo sapagkat ang Dios at si Cristo ay iisa (Jn 1:1, 10:30). Si David ay natural ancestor ni Cristo kaya tinawag Siyang Anak ni David (Mt 1:1). Alam ni David na ang Anak ng Dios ay Dios din kaya tinawag niyang Panginoon. Dahil kung hindi Dios ang pagkakilala ni David sa Anak, at tinawag niyang Panginoon, ay lalabagin niya ang Shema ng mga Hudyo: {Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon. Dt 6:4}
-----
Tanong 5: Kailan umiral ang Espiritu Santo?
Sagot 5: Ang Espiritu Santo ay likas (inherent) sa kalagayan ng Dios, kaya Siya’y Dios din – ang pangatlong Espiritu o Persona ng Dios. At sapagkat ang Dios ay mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan (Ps 106:48), at ang Espiritu Santo ay nagbubuhat sa Dios (proceeds from the Father, Jn 15:26), Siya, kasama ang Anak (Cristo), ay mula rin sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. Co-existent ang tatlong Espiritu o Persona ng Dios (Ama, Anak, Espiritu Santo) sapagkat Sila’y galing sa iisang Dios, kaya’t Sila’y iisang Dios. At dahil katotohanang ang Ama at Anak ay kapwa ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, at ang pasimula at ang wakas, ay isang pagpapatunay lang na ang Ama at Anak ay iisang Dios (Jn 10:30). Hindi pwedeng magkaroon ng dalawang Alpha at Omega, dalawang una at huli, dalawang pasimula at wakas, dalawang Dios, o tatlong Dios, sapagkat kakanselahin ng isa’t isa ang isa’t isa. Samakatuwid, tunay na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay iisang Dios sapagkat hindi Sila nag-kakanselahan. Katunayan, sa wakas ng panahon, umiiral pa rin Silang tatlong Espiritu o Persona ng iisang Dios. Basa:
{At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay,na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng DIOS at ng CORDERO. Rev 22:1}
{At ang ESPIRITU at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay. Rev 22:17}
Sa umpisa ng panahon, pagkatapos isugo ng Dios na nasa Langit ang Anak sa sangkalupaan upang umpisahan ang paglalalang (Heb 1:6), sa Genesis ay unang binanggit ang Dios Anak (Cristo) at ang Espiritu Santo:
{Nang pasimula, nilikha ng DIYOS ang langit at ang lupa. Ang lupa ay walang anyo at walang laman, at binalot sa kadiliman ang kalaliman samantalang ang ESPIRITU NG DIOS ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig. At sinabi ng DIYOS, "Magkaroon ng liwanag," at nagkaroon ng liwanag.” Gen 1:1-3}
Pansinin: Ang nagsalita ay ang Anak (Cristo) at hindi ang Ama, sapagkat Si Cristo ang literal na Verbo ng Dios (Jn 1:1; Heb 1:1-2; Rev 19:13). Para sa anong kadahilanan at tatawaging Verbo o Salita ng Dios si Cristo kundi Siya’y ang literal na tagapag-salita ng Dios (Jn 12:49), di ba?
-----
Hango sa: DEFINITIVE EDITION
CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH
THE DOGMA OF THE HOLY TRINITY
253 THE TRINITY IS ONE. We do not confess three Gods, but one God in three persons, the “consubstantial Trinity.” The divine persons do not share the one divinity among themselves but each of them is God whole and entire: “The Father is that which the Son is, the Son that which the Father is, the Father and the Son that which the Holy Spirit is, i. e. by nature one God.” In the words of the Fourth Lateran Council (1215), “Each of the persons is that supreme reality, viz., the divine substance, essence or nature.
254 THE DIVINE PERSONS ARE REALLY DISTINCT FROM ONE ANOTHER.
“God is one but not solitary.” “Father,” “Son,” “Holy Spirit” are not simply names designating modalities of the divine being, for they are really distinct from one another: “He is not the Father who is the Son, nor is the Son he who is the Father, nor is the Holy Spirit he who is the Father or the Son.” They are distinct from one another in their relations of origin: “It is the Father who generates, the Son who is begotten, and the Holy Spirit who proceeds.” THE DIVINE UNITY IS TRIUNE.
“God is one but not solitary.” “Father,” “Son,” “Holy Spirit” are not simply names designating modalities of the divine being, for they are really distinct from one another: “He is not the Father who is the Son, nor is the Son he who is the Father, nor is the Holy Spirit he who is the Father or the Son.” They are distinct from one another in their relations of origin: “It is the Father who generates, the Son who is begotten, and the Holy Spirit who proceeds.” THE DIVINE UNITY IS TRIUNE.
255 THE DIVINE PERSONS ARE RELATIVE TO ONE ANOTHER. Because it does not divide the divine unity, the real distinction of the persons from one another resides solely in the relationships which relate them to one another: “In the relational names of the persons the Father is related to the Son, the Son to the Father, and the Holy Spirit to both. While they are called three persons in view of their relations, we believe in one nature or substance.” Indeed “everything (in them) is one where there is no opposition of relationship.” “Because of that unity the Father is wholly in the Son and wholly in the Holy Spirit; the Son wholly in the Father and wholly in the Holy Spirit; the Holy Spirit is wholly in the Father and wholly in the Son.”
256 St. Gregory of Nazianzus, also called “the Theologian,” entrusts this summary of Trinitarian faith to the catechumens of Constantinople:
Above all, guard for me this great deposit of faith for which I live and fight, which I want to take with me as a companion, and which makes me bear all evils and despise all pleasures: I mean the profession of faith in the Father and the Son and the Holy Spirit. I entrust it to you today. By it I am soon going to plunge you into water and raise you up from it. I give it to you as the companion and patron of your whole life. I give you but one divinity and power, existing one in three, and containing the three in a distinct way. Divinity without disparity of substance or nature, withour superior degree that raises up or inferior degree that casts down… the infinite co-naturality of three infinites. Each person considered in himself is entirely God… the three considered together…. I have not even begun to think of unity when the Trinity bathes me in its splendor. I have not even begun to think of the Trinity when unity grasps me….
+++++
(izzil dore: o inaamin nyo na na marami kayong sinasambang mga dios?)
Oo, inaamin kong tatlo ang sinasamba kong Dios pero alam kong Sila’y iisang Dios. Isang DIOS na itinaas sa KAPANGYARIHAN NG TATLONG DIOS na nanatiling Isang DIOS pa rin. May angal?
Ang sabi ng Dios sa mga anghel, sambahin ang Anak (Heb 1:6). Ang sabi ng Dios sa lahat ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa ay lumuhod sa pangalan ni Jesus (Phil 2:10). Kung sa pangalan pa lang ni Jesus ay luluhod na lahat ng nilalang, eh di lalo na kung nasa harap na natin mismo si Jesus – hindi lang tayo luluhod, kundi magpapatirapa at magsasamba pa!
Tinawag ng Dios na Dios ang Anak (Heb 1:8). Tinawag naman ni San Pedro na Dios ang Espiritu Santo (Act 5:3-4). At sinabi rin ng Panginoong Hesukristo na bautismuhan ang lahat ng mga bansa sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo (Mt 28:19) – na isang pagsamba sa Banal na Trinidad. Kaya inuulit ko: sumasamba ako sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo na iisang Dios! Intiende?
+++++
Ito ang pananampalataya naming 1 bilyong mahigit na Katoliko sa nag-iisang Dios na may Tatlong Espiritu o Persona na dinarasal, 24/7, sa aming mga Banal na Misa at Rosaryo sa buong sandaigdigan:
Profession of Faith
(Nicene Creed)
I believe in one God, the Father almighty, maker of heaven and earth, of all things visible and invisible.
I believe in one Lord Jesus Christ, the Only Begotten Son of God, born of the Father before all ages. God from God, Light from light, true God from true God, begotten, not made, consubstantial with the Father; through him all things were made. For us men and for our salvation he came down from heaven, and by the Holy Spirit was incarnate of the Virgin Mary, and became man. For our sake he was crucified under Pontius Pilate, he suffered death and was buried, and rose again on the third day in accordance with the Scriptures. He ascended into heaven and is seated at the right hand of the Father. He will come again in glory to judge the living and the dead and his kingdom will have no end.
I believe in the Holy Spirit, the Lord, the giver of life, who proceeds from the Father and the Son, who with the Father and the Son is adored and glorified, who has spoken through the prophets.
I believe in one, holy, catholic and apostolic Church. I confess one Baptism for the forgiveness of sins and I look forward to the resurrection of the dead and the life of the world to come.
Amen!